on loop: regresa a mi ~ il divo
... walang sagot.
i tried to refrain from blogging about what's been bugging me lately, but sometimes people just need some form of release or outlet to vent out on. anyway.
wala naman akong isang malinaw na bagay na gustong talakayin maliban sa isyu na mayroong gumugulo sa akin. simula nang nangyari yung araw na iyon, para bang lahat na nga bagay ay nagkandalabo-labo na. bakit ba kasi hindi na ako natuto? kahit kailan talaga. malas nga naman oo. dumagdag pa tuloy sa mga problema ko. ayoko na sana mamroblema pa dahil napakadami nang tao ang namomorblema sa ngayon, ayoko nang makisawsaw pa pero hindi talaga kaya talikdan eh, makulit kasi.
mas naguguluhan pa ako dahil hindi ko naman alam kung dapat ko nga ba itong problemahin or wala naman nang kelangan pag-usapan sa bagay na ito kung kaya mas nararapat na inaasikaso ko na lamang ang mga mas mahahalagang bagay tulad ng aking trabaho at pag-aaral? sa tutuusin, maliit lang na predikamento ang bumabagabag sa akin kung ihahalintulad sa edukasyon, trabaho o pera.
isa pa iyon. gusto ko na sana mag-aral pero mukhang di iyon mangyayari... dahil nanaman sa kapabayaan ko. kaya naman di ko rin masisisi ang iilang mga tao diyan kapag may nasasabi sila tungkol sa akin (at hindi iyon mga kaibigan ko, cool silang lahat ;p). kung minsan kasi, mahirap naman talagang maging responsable na lamang palagi. pero sana nalaman ko noon pa na mas mahirap pala ang panagutan at panindigan ang mga resulta ng pagiging iresponsable.
sana malutasan ko na ang mga bagay na 'to. at sana rin ay maiayos ko na buhay ko. hirap talaga maging kalat eh. hirap din magtanong nang magtanong, wala namang mahanap na kahit man lang kalahating sagot. sa pagkakataon na akala mong makakukuha ka na ng sagot o di kaya't 'hint' man lang eh mas naging malabo pa ang mga bagay bagay. o baka naman kasi malinaw na talaga ang lahat? ako lang ang nagpipilit na ibahin ang sitwasyon. hay engerts.
sa ngayon, ang naiisip ko pa laman na kasagutan sa tanong ko ay... wala. hindi naman kasi lahat ng bagay ay napag-uusapan dahil kung minsan ay mahirap din ito ipaliwanag o simulan. mas maigi kung kumilos na lamang tayo nang ayon sa tingin nating tama at karapat-dapat. madaling sabihin pero mahirap gawin, lalo na kapag ang karapat-dapat na gawin ay taliwas sa hinahangad o ikaliligaya natin. ahahay. pero may tiwala ako na maayos din ang lahat nang ayon sa ikabubuti ng lahat, panahon at pasensiya lamang ang kailangan.
1 comment:
for da lab of everyting lababol. mag englis ka pls. alam mo naman eng-eng ako sa tagalog eh hehe sige kwento mo nalng ha. tc
Post a Comment