on loop: come on ~ ben jelen
matapos ang napakahabang diskusyon na nagtagal ng magdamag, the congress has voted to trash the impeachment complaint. wala na talagang pag-asa na mabigyan ng katarungan ang mga pandarayang ginawa ng tinuringang pangulo ng ating bansa. at ang pinipintong dahilan nito ay ang nalalapit na paglabas at pagsali ni GMA sa united nations, at minarapat na rin nila na hindi nga naman daw kaayaaya na lumahok ang ating pangulo na may naka binbin na paghatol sa kaniyang ulo. administration personnel found it too much of an embarassing concern to have the president appear in an international conference with an impeachment complaint hanging over her head. grabe! i cannot believe the extent to which GMA is ensuring her political survival, tigasan na talaga ng mukha. i surely am not an expert in politics but is it not even more humiliating for the philippine nation to carry on with its affairs whilst being led by a president who cheated her way to that position?
and what's even worse is that she failed to acknowledge the terrible wrong she has done, and instead took the people for fools by issuing a statement attributing the chaos to a 'lapse of judgement' deserving of an 'i'm sorry' to remedy it all. i personally find that incredibly ridiculous. nagmumukhang tanga ang mga tao dahil hindi tayo nabibigyan ng pagkakataon upang mapadinig sa kamara ang boses ng duda. basta na lamang isinasantabi ang pagaalinlangan na lubusan namang pinaninindigan ng mga iilang katauhan sa pulitika na may natitira pang prinispyong nakabatay sa katotohanan. i pity the opposition, they really seem like the bad guys here trying to bring down the administration... though i am sure that they all have their own vested interests, but at least these opposition congressmen are fighting for an equal opportunity for this "offense" to be cleared and for the people to ahve closure as well. sana maawa naman na sila sa ating bayan, tama na ang lokohan.
i am pro-GMA, that much i admit. i believe in her platform and political agenda, and i'm sure she has high hopes for our country. but what is not to be appreciated in here is the way in which her political machinery seems to undermine the interests of the people. if she really is not guilty of any of these charges against her, bakit hindi niya harapin ang kamara nang mapatunayan niya ang pagiging malinis ng kaniyang konsensiya? hindi ba't mas maigi ito para sa kaniya dahil mas maisusupalpal niya sa mukha ng mga kumakalaban sa kaniya ang hatol na maglilinis sa pangalan niya? bakit ba siya takot na takot, na talaga nga namang kung ano-ano nang istratehiya ang pinapatakbo niya para lamang maibasura ang reklamo, o 'di kaya mabalin ang atensiyon ng bayan sa ibang mga isyu ng bansa? grabe nang pangloloko ito.
isa pa pala. masyado na ata ring nagpapadala ang mga tao sa daloy ng pulitika na kung minsan ay naibabalewala na ang saligang-batas natin. gaya ng mga rali sa commonwealth sa ngayon... grabe. ano na naman ito? hindi talaga ako pabor sa mga pagrarali. sa totoo lang, panggulo lang yan sa kalsada eh! masyadi nang nawili ang mga tao sa EDSA revolution kung kaya't inaakala nila na sa bawat pagkakataon na lamang ay magiging epektibo ang boses ng rali. sana naman ay wag natin abusuhin ang kapangyarihang taglay ng tinipon-tipong boses ng bayan. baka sa pagkakataong kailangan na nga talaga natin ito ay wala nang sumeryoso dito. kung minsan naman kasi ay halos lahat na lamang ay ibinabalin sa kalsada. tandaan po natin na mayroon tayong tamang proseso kung saan maaring idaan sa wasto at mahinahong paraan ang mga isyung pulitikal.
hindi ako ma-pulitikang tao pero hindi rin naman ito nangangahulugan na wala akong pakialam dito. lahat ng pilipino ay kinakailangan makilahok sa pagtatanggol sa katarungan. hindi nakakatuwa na ituring tayo ng mga personalidad na hinalal natin upang paglingkuran ang ating pangangailangan na tila mga wala tayong alam at madadaling mauto. hindi ito tama at higit sa lahat, maawa naman tayo sa sarili nating mga karapatan. 'wag nating hayaang lapastanganin nila ito. itaguyod ang batas at isakatuparan ang tamang proseso nito kahit pa man kaduda-duda na ang makinarya ng bayan. it may be true that the system has been infiltrated by corruption but we should not just wave it away inconsequentially. it is as if we are doing away with the governing body which we are fighting for. nakakalungkot nga lang dahil kung sakali man, mas malaking pagsasangtabi sa ating batas ang ginawa ng pangulo, na kaisa-isang trabaho na nga lang ay ang itaguyod ito. seryoso, mahiya naman sana siya. tama na, sobra na.
5 comments:
stop posting in tagalog!! hehe :)well from i understood from it. let's not be naive about the philippine politics. im sure we'd like to think there are some honest people there, but we'd be fooling ourselves if we did. truth is, these politicians have all in some way cheated the people to get what they want. but i'd rather have a capable president with ACTUAL goals for our country than those f*ckers with nothing to show for themselves.. hehe stress ba? :) touchy subject kasi. philippine politics just suck.
dinadaan naman talaga sa tamang proseso. ang kinalabasan nga lang ay ibinasura na ang hinaing reklamo ng oposisyon. thats because their evidence does not hold itself up. sabog talaga. its pure hearsay, kahit pa man gaano ka-incriminating yung mga tape na yun. it's also humiliating to have the country honor circumstantial evidence with no strong legal basis. mockery yun ng sistema natin.. yun yung panloloko b :) the nation's going to the dogs, let's stick to our adminitration for now. lesser evil na lang muna, di ba?
well, that's politics for you. :)
kahit ano naman gawin nilang pag-rally, di talaga bababa c GMA. besides, i know that the only reason why the oppostion is so bent on making "her excellency" step down is so that THEY can take over and squander whatever money or funds our very poor country has left.
sometimes, nai-imagine ko na pag may lumapit sa akin na reporter sa kalsada and tinanong niya ako how i feel about what's going on in the political arena of the country, kukunin ko ung camera niya tapos itututok ko sa mga bata at matatanda na nagmamalimos sa gitna ng kalsada, isinasantabi ang takot na mabundol ng mga rumaragasang kotse para lang makahagilap ng kahit kakaunting barya lang. tapos sasabihin ko sa reporter na sa tingin ko, dapat hindi na nila tinatanong pa kung ano ang tingin ko sa nangyayari sa kongreso at sa Malacanang kasi kahit ano naman ang maging resulta ng mga pagkatagal tagal na away at sagutan nila, may isang katotohanan na lantaran na sa lipunan natin, at iyon ang kahirapan. kahirapan na lalong lumalala dahil sa nangyayari ngayon sa politika.
so, kung ako sa kanila, ititigil ko na muna ang mga awayan at sagutan. babalikan ko na lang ang mas impotante, at yan ang mga taong-bayan.
lisa c.
andrea: yeah that's right. i really don't care anymore if these people cheat 'coz our system just isn't that cheat-proof. they better just be sure that they've got something good lined up to make up for it :)
karl: i understand your lesser evil concept, and for a while that's what i believed in pero i noticed na the people all seem to believe in it as well kung kaya't parang hindi tayo makawala dito. we're settling for mediocrity when we deserve more and should be clamoring for it.
lisa: yeah unfortunately, it doesn't seem like she'll be stepping down anytime soon. na-realize ko lang lately na ang tibay din ng sikmura niya. sana nga they'll take care of the more urgent issues in our country like education and healthcare diba? masyado na yata tayo na-desensitize sa mga nakikita natin sa kalasada kaya feeling natin ok lang yun, pero shempre hindi :(
pffft. GMA should just go.. or maybe its us that hould leave this gosh forsaken country
Post a Comment